Posibleng nagagamit ang UNHRC o United Nations Human Rights Council ng ilang grupo para sa kanilang propaganda.
Ito ang naging pahayag ng Malacañang matapos na ipanawagan ng grupong Philippine Universal Periodic Review Watch na tanggalin ang Pilipinas bilang miyembro ng UNHRC dahil sa patuloy na paglabag ng gobyerno sa karapatang pantao na resulta ng kampanya kontra iligal na droga.
Ayon Presidential Spokesman Ernesto Abella, iginagalang ng gobyerno ang karapatan sa pagpapahayag ng naturang grupo.
Kasabay nito ay iginiit ni Abella na sa kabila ng anumang sitwasyon sa bansa ay nananatili naman ang kumpiyansa ng UNHRC sa Pilipinas.
—-