Dumating na sa Syria ang mga truck na may dalang humanitarian aid para mga bayan doon na puno pa rin ng kaguluhan.
Sa tulong ng United Nations ay pumayag ang Syrian government na buksan ang naturang mga bayan upang matulungan ang mga residenteng naiipit sa bakbakan.
Pinayagan ito ng gobyerno isang linggo bago tuluyang gumulong ang peace negotiation sa lugar.
Sa pagtataya ng United Nations, 4.6 milyong mga residente sa buong Syria ang naiipit ngayon sa kaguluhan kung saan marami dito ang namamatay na sa gutom.
By Rianne Briones
Photo Credit: [Reuters]