Ibinasura ng Security Council ang resolusyong isinumite ng Russia hinggil sa panawagan nitong imbestigahan ang kanilang akusasyong sangkot ang Amerika sa umano’y pag-develop ng biological weapons sa Ukraine.
Ang nasabing resolusyon ay pinaboran ng Russia at China, kinontra ng France, Amerika at Britain na mayroong veto power at nag abstain naman ang 10 non-permanent members ng konseho.
Nakasaad sa resolusyon ang pagbuo ng komisyon kung saan kasama ang lahat ng mga miyembro ng Security Council para imbestigahan ang mga alegasyon laban sa Estados Unidos at Ukraine kaugnay sa kanilang obligasyon sa ilalim ng convention na nagbabawal sa development, production at paggamit ng biological weapons.
Umalma naman si Deputy Russian Ambassador Dmitry Polyanskiy sa naging resulta ng botohan na Aniya’y pagpapakita na ayaw ng western countries na i-apply sa kanila ang batas.
Binigyang diin ni UN Deputy High Representative for Disarmament Affairs Adedeji Ebo na walang alam ang UN sa nasabing program at wala itong mandato o technical capacity para imbestigahan ang nasabing claim ng Russia kontra Amerika.