Nagpahayag ng pagkaalarma ang United Nations (UN) dahil patuloy na pagtaas ng mga biktima ng sapilitang pagkawala o enforced disappearances.
Sa tala ng United Nation noong 2014, higit sa 40,000 mga kaso ng enforced disappearance ang naitala sa 88 mga bansa.
Naitala naman sa bansa ang 2,300 kaso ng sapilitang pagkawala simula noong 1970 nang ideklara ang Martial Law.
Dalawampu’t anim (26) ang naitalang kaso nito lamang nakalipas na 5 taon.
Kaugnay nito, umapela si UN Secretary General Ban Ki Moon sa mga miyembro nitong bansa na i-ratify o kaya naman ay gumawa ng batas laban dito.
By Rianne Briones