Itinakda na ng United Nations Security Council ang kauna-unahan nilang pagpupulong tungkol sa coronavirus pandemic.
Syam sa 10 non-permanent members ng konseho ang humiling ng pulong upang iprisinta ni UN Secretary General Antonio Guterres ang sitwasyon ngayon sa mundo.
Matatandaan na hindi makapagtakda ng meeting ang security council dahil sa iringan pa rin ng Estados Unidos at China.
Nais kasi ng US na ilagay sa anumang ilalabas na resolusyon ng UN na ang virus ay unang lumabas at nagmula sa China.
Sinasabing ang oposisyon na magkaruon ng pulong ang konseho ay mula sa China at Russia.