Kinondena ng United Nations (UN) at ng Libyan Red Crescent ang pagkasawi ng 15 migranteng sakay ng isang barko sa baybaying dagat ng Sabratah, Libya.
Kasunod ito ng sagupaan sa pagitan ng rival trafficker o mga smuggler laban sa mga militar kasabay ng pagkasunog at pagkawasak ng nasabing barko sakay ang mga biktima.
Patuloy pang iniimbestigahan ang dahilan o motibo ng pagkasunog ng barko kung saan, nangako ang mga otoridad na kanilang ibibigay ang hustisya sa mga nasawi at pananagutin ang nasa likod ng insidente.
Ayon sa International Organization for Migration, mula nang magsimula ang taong 2022, umabot na sa 14,000 na migrante ang hinarang at pinabalik sa libya kung saan, 216 ang nasawi habang 724 pa ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.