Ikinabahala na rin ng United Nations Office on Drugs and Crime o UNODC ang extrajudicial killings sa Pilipinas lalo na sa drug suspects.
Sa ipinalabas na statement ng UNODC, kinondena nila ang tila nangyayaring pag-endorso sa extrajudicial killings na anila’y paglabag sa karapatang mabuhay ng isang tao.
Ayon kay UNODC Executive Director Yury Fedotov, ang hakbang ng Pilipinas kontra droga ay kumokontra sa probisyon ng International Drug Control Conventions.
Hindi anya makakatulong ang paraan ng kampanya kontra illegal drugs upang matiyak na mabubuhay ang mga mamamayan ng isang bansa nang malusog, may dignidad at kapayapaan.
Sa kabila nito, tiniyak ng UNODC na handa silang makipagtulungan sa mga miyembro nilang bansa kabilang ang Pilipinas upang mapanagot ang mga drug traffickers sa ilalim ng legal standards na sinusunod ng UN.
Sinabi ni Fedotov na pakay nilang isulong ang prevention, treatment, rehabilitation at reintegration programs na nakabase sa ebidensya, siyensya, public health at human rights.
By Len Aguirre