Namemeligrong kapusin sa supply ng tubig ang mahigit limang bilyong katao sa taong 2050.
Ito ang ibinabala ng United Nations kasabay ng paghimok sa mga leader na maglatag na ng mga paraan kontra sa nagbabadyang global water crisis.
Sa Climate Change Conference, inihayag ng UN – World Meteorological Organization na noon lamang 2018 ay nasa tatlo punto anim na bilyong katao na ang walang sapat na supply ng tubig sa loob ng isang buwan.
Nasa point 5% lamang anila ng tubig sa mundo ang useable at maging ang fresh watersa mga lawa at ilog bukod pa sa tumataas na temperatura na nagreresulta sa global at regional precipitation changes.
Dahil dito, nagbabago ang rainfall patterns at agricultural seasons na naka-aapekto naman sa food security at human health.
Kabilang sa tinukoy ng UN na namemeligrong makaranas ng water shortage ang Asya, na may pinaka-malaking populasyon sa mundo.—sa panulat ni Drew Nacino