Nagbabala ang United Nations o UN na posibleng libu-libong tao na ang namamatay sa gutom bunsod ng kaguluhan sa Syria.
Ayon kay UN Human Rights Chief Zeid Ra’ad Al Hussein, maraming mamamayan sa ilang bayan ang nata-trap sa digmaan na nakakaapekto sa buhay ng halos kalahating milyong Syrians.
Ginawa ni Hussein ang pahayag habang inihahanda na ng UN ang humanitarian aid na ipapadala nito sa naturang bansa.
Matatandaang maraming eskwelahan, palengke, at ospital ang tinamaan nang walang puknat na pambobomba sa nasabing lugar.
By Jelbert Perdez