Nakatakda nang pumalit si dating Portuguese Prime Minister Antonio Guterres kay Ban Ki-Moon bilang United Nations Secretary-General.
Umani ng 13 boto si Guterres mula sa 15 miyembro ng UN Security Council.
Simula 1995 hanggang 2002 ay nagsilbi si Guterres bilang pinuno ng socialist party ng Portugal bago itinalagang UN High Commissioner for Refugees.
Matatapos naman ang 5-year term ni Ban ng South Korea sa December 31.
By Drew Nacino
Photo Credit: AFP