Nakatakdang imbestigahan ng United Nations (UN) ang umano’y human rights violations laban kay Senador Leila De Lima sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ayon sa pahayag ng UN, nakita ng working group na nilabag ng gobyerno ang karapatan ni De Lima para sa patas na pagdinig.
Kabilang sa tututok sa kaso ni De Lima ay ang special rapporteur on the promotion and protection of the right to freedom of opinion and expression, special rapporteur on violence againts women at special rapporteur on the independence of judges and lawyers.
Kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte si De Lima at ito ang itinuturong dahilan ng kampo ng senadora kaya kinasuhan at ipinakulong ito.