Ilalabas sa Lunes ng United Nations (UN) ang kanilang report sa climate science na magbibigay babala sa kung gaano kabilis uminit ang ating planeta matapos ang walong taon.
Sa huling report ng UN Intergovernmental Panel on Climate Change o IPCC nitong 2013, ang green house gasses emmisions at global temperature ay parehong patuloy ang pagtaas.
Sa bagong ulat, magbibigay sila ng forecast sa kung gaano kadaming emissions ang maibubuga sa kalangitan bago pa tumaas ang avaerage global temperature sa higit 1.5 °C.
Ayon naman sa mga eksperto, kailangan na mangalahati ang global emissions sa taong 2030 o wakasan sa taong 2050 para mapanatili ang pag-init ng mundo na nagiging sanhi ng panganib sa buong mundo.