Isinumbong ng Philippine Delegation sa United Nations sa Geneva Switzerland si UN Rapporteur Agnes Callamard kaugnay sa tila “mind conditioning” nito sa tweet ng isang eksperto sa Amerika na hindi nakakaliit ng utak ang paggamit ng shabu.
Sinabi sa DWIZ ni DILG Asst. Secretary Epimaco Densing na kabilang sa delegasyon, ipinakita nila mismo sa UN headquarters sa Switzerland ang re-tweet ni Callamard kaugnay sa isyu ng paggamit ng shabu.
Ayon kay Densing, dapat hindi nagsasalita o pumapanig si Callamard lalo pa at sensitive ang usapin.
Bilang Rapporteur, sinabi ni Densing na dapat hindi ganon ang ginawa ni Callamard lalo pa at siya ang itinalagang tumingin sa mga sumbong na extra judicial killings sa Pilipinas.
By: Aileen Taliping