Naglatag ng sariling kondisyon si United Nations Special Rapporteur on Summary Executions Agnes Callamard bago magtungo sa Pilipinas para mag-imbestiga sa mga kaso ng extrajudicial killings sa bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), siyam na kondisyon ang inilatag ni Callamard bago tuluyang tumulak sa kanyang imbestigasyon.
Ilan sa mga inilatag na kondisyon ay ang pag-imbita rin ang UN Special Rapporteur on Health para bumisita sa Pilipinas.
Nais rin ni Callamard na magkaroon ng kalayaan na makapag-ikot sa buong bansa maging sa mga lugar na itinakdang restricted areas.
Kailangan din aniyang i-garantiya ng gobyerno na ang mga indibidwal pribado man o mga opisyal ng pamahalaan na kanyang makakausap ay hindi mapaparusahan o masasampahan ng anumang kaso.
Nakatakdang magpulong ang isang inter-agency body upang pag-usapan ang mga inilatag na kondisyon ni Callamard at maging ng gobyerno.
By Rianne Briones