Nakatakdang bumisita ang isang kinatawan ng United Nations o UN sa Pilipinas sa susunod na linggo para isulong ang pagsawata sa pagpapahirap o torture.
Ayon kay Suzanne Jabbour, pinuno ng UN Sub-Committee on Prevention of Torture o SPT, partikular nilang bibisitahin ang mga bilangguan, himpilan ng pulisya, military detention facilities gayundin ang correctional facilities.
Bibisitahin din ayon kay Jabbour ang mga rehablitation facilities at psychiatric hospitals upang tantiyahin at pag-aralan ang ginagawang pagtrato sa mga detenido gayundin sa mga pasyante.
Isasagawa ang nasabing pagbisita mula Mayo 25 hanggang Hunyo 3.
By Jaymark Dagala