Mariing kinondena ng United Nations (UN) ang ginawang pagpapakawala ng missile ng North Korea kamakailan.
Ayon kay UN Secretary General Antonio Guterres, isang malinaw na paglabag sa security council ang ginawa ng Pyongyang at lubhang nakasasama ito sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon ng Asya.
Kasunod nito, hinimok ni Guterres ang Pyongyang na itigil na ang pagpapakawala ng missile na siyang indikasyon aniya ng paghahamon ng digmaan.
Sagot naman ng NoKor, walang mali sa kanilang ginawa at nagbanta pa ito ng digmaan sa Estados Unidos sakaling tapatan ang kanilang ginawang pagpapakawala ng missile.
By Jaymark Dagala