Patuloy ang panawagan ni United Nations Secretary General Ban Ki Moon na magkaroon ng mapayapang solusyon sa territorial dispute sa South China Sea.
Kasunod na rin ito nang pag-uusap nina Ban at Vietnam President Trung Tan San.
Ayon kay Ban, umaapela siya sa mga bansang may interes sa pinag-aagawang isla na mag-usap at ibatay ang pag-uusap sa nilalaman ng international law.
Bukod sa Vietnam, kabilang ang Pilipinas, Malaysia, Brunei at Taiwan sa mga nag-aagawan sa territorial waters kung saan nagtayo ang China ng mga istruktura tulad ng artificial island.
By Judith Larino
Photo Credit: un.org