Nakatakdang bumisita sa kauna-unahang pagkakataon si UN Secretary General Ban Ki Moon sa North Korea.
Si Ban ay makikipagkita ngayong linggo kay North Korean Leader Kim Jong Un para pag-usapan ang nuclear weapons ng NoKor at iba pang usapin sa Korean Peninsula.
Ayon sa UN, handa palagi si Ban na maging tulay at makipagdayalogo sa NoKor para sa katatagan at kapayapaan sa Korean Peninsula.
By Ralph Obinam