Mahigpit na kinondena ng UN Security council ang panibagong missile tests ng North Korea.
Sa isang kalatas, ipinanawagan ng UN Ang pagdoble sa ipinataw na sanction laban sa Nokor.
Giit ng Security Council, lumalawak ang nuclear weapons delivery systems ng North Korea at nagpapaigting ito ng tensiyon.
Matatandaang inaprubahan ng konseho noong Marso ang sanction sa Nokor matapos ang ilang nuclear at missile tests na ginawa ng komunistang bansa.
Una nang ipinag-utos sa lahat ng bansa ang pag-inspeksiyon sa mga cargo na pumapasok at nanggagaling sa North Korea.
By: Jelbert Perdez