Magpupulong na ang UN security council kaugnay sa tumitinding bakbakan ng Israeli Authorities at hamas militants.
Kasunod na rin ito nang labis na pag aalala ni UN Secretary General Antonio Guterres sa sitwasyon sa nasabing bansa.
Samantala isang tawag ang natanggap ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu mula kay US President Joe Biden na nag a alok ng suporta para sa seguridad ng Israel kasabay ang paalalang dapat manatiling kalmado ang bansa sa nangyayari.
Nagpadala naman ng envoy sa israel si US secretary of state Antony Blinken.
Magpupulong din ang tinaguriang middle east quartet na kinabibilangan ng Amerika, Europe, United Nations at Russia.