DADALAW sa Malacañang si United Nations Special Rapporteur Irene Khan.
Kinumpirma ito ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) kung saan inaasahang makikipagpulong si Khan kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
Ayon sa PTFoMS, ang pagpupulong ay nakatakdang gawin bandang alas-4:00 ngayong Huwebes ng hapon sa Bonifacio Hall ng Palasyo.
Si Khan ay narito sa Pilipinas para sa isang 10-araw na pagbisita upang suriin ang mga mekanismo ng karapatang pantao sa bansa na nakatuon lalo na sa
freedom of opinion and expression.
Ngunit hindi tinukoy ng task force kung pag-uusapan nina Khan at Bersamin ang mga isyu kaugnay ng madugong operasyon laban sa ipinagbabawal na gamot ng nakaraang administrasyon.