Walang nakikitang masama si United Natioins o UN Special Rapporteur Agnes Callamard sa pagmomonitor ng pamahalaan, sa kanyang pagdalaw sa bansa.
Sinabi ito ni Callamard, sa kanyang pagdalo sa dalawang (2) araw na Policy Forum na iniayos ng FLAG o Free Legal Assistance Group sa University of the Philippines (UP), hinggil sa usapin sa iligal na droga.
Magbibigay lang aniya siya ng maikling pahayag hinggil sa usapin, at hindi ito maituturing na official visit.
Sinabi ni Callamard na mahalaga ang conference at kanyang hinihikayat ang ibang grupo, kabilang ang pamahalaan na makiisa rito.
Una nang kinuwestyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang motibo at sinseridad ni Callamard sa kanyang pagdalo sa naturang conference, na nataon nakatakdang UPR o Universal Periodic Review ng Pilipinas sa Geneva, Switzerland.
By Katrina Valle