Umaapela ang United Nations sa mga kalapit bansa ng Afghanistan na buksan ang kanilang border.
Ito ayon sa UN ay dahil sa inaasahang paglikas ng maraming mamamayan ng Afghanistan matapos ang mabilisang pagsakop ng taliban militants sa malaking bahagi ng nasabing bansa.
Biyernes nang masakop ng Taliban fighters ang Kandahar, ikalawang pinakamalaking lungsod sa Afghanistan kung saan malaking bahagi na ay hawak na ng Taliban matapos magpasya ang Amerika na i-pull out ang kanilang mga sundalo sa nasabing bansa.