Umapela ang United Nations kina US President Barack Obama at Russian President Vladimir Putin na isalba ang ceasefire sa Syria.
Ayon kay UN Special Envoy Staffan de Mistura, naghihingalo na ang dalawang buwan nang tigil putukan sa Syria.
Kasabay nito, nanawagan si Mistura kina Obama at Putin na buhayin ang nasirang peace talks sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde sa Syria.
Matatandaang umatras sa negosasyon ang Syrian rebels bilang protesta sa patuloy na karahasan at mabagal na delivery ng humanitarian aid.
Dagdag pa ni Mistura, dapat mag-convene para sa isang ministerial meeting ang Amerika at Russia na lalahukan ng major at regional powers na siyang bumubuo sa International Syria Support Group o ISSG.
By Meann Tanbio
Photo Credit: REUTERS/DENIS BALIBOUSE