Umapela ng halos 500 milyong dolyar ang United Nation para lumalalang humanitarian crisis sa Iraq.
Ayon kay Lise Grande, Coordinator ng UN sa Iraq, ang naturang pondo ay para matugunan ang anim na buwang pagkain, tubig at pansamantalahang tirahan ng 5.6 million mga Iraqi na apektado ng gulo sa lugar.
Inaasahang mas lalala pa ang kaguluhan sa lugar habang patuloy naman nauubos ang kanilang pondo.
By Rianne Briones