Umapela ang United Nations para sa pagtigil ng lahat ng military operations sa Libya upang mapalamig ang sitwasyon at maiwasan ang giyera.
Kasabay ito ng pagkondena ni UN Secretary General Antonio Guterres sa patuloy na labanan sa labas at kapaligiran ng Tripoli Libya kabilang ang pagbomba ng LNA o Libyan National Army sa Mitiga Airport.
Matatandaan na dahil sa airstrike ay naisara ang kaisa-isang gumaganang airport sa Tripoli.
Mula pa noong mapatalsik si Moamer Kadhafi bilang pinuno ng Libya noong 2011 ay niyayanig na ng marahas na agawan ng kapangyarihan ang Libya.
—-