Sinusuportahan ng United Nations, UNICEF at WHO ang isinusulong na face to face classes sa mga lugar na mayruong mababang kaso ng COVID-19.
Ayon ito sa Department of Education (DepEd) matapos bigyang diin ng mga nasabing institusyon ang karapatan ng bawat bata sa edukasyon na huhubog sa kanilang pagkatao.
Sinabi pa ng DepEd na iginigiit ng UN, UNICEF at WHO ang patuloy na pagsusuot ng face mask, physical distancing, paghuhugas ng kamay at tamang ventilation ng mga silid aralan.