Bukas sa United Nations (UN) ang pagtatalaga kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte bilang National Convenor of Landmark UN Education Conference.
Layunin ng naturang pagtitipon na mapag-usapan kung papaano ia-angat ang antas ng edukasyon sa gitna ng pagharap ng mga bansa sa global pandemic.
Nakatakda namang pangunahan ni VP Sara Duterte ang National Consultation kung saan babalangkasin ang mga hakbang para makamit ang education transformation hanggang taong 2030.
Naniniwala naman si UN Resident Coordinator Gustavo Gonzales sa kakayahan ni VP Sara Duterte sa paglatag ng mga istratehiya at roadmap upang tugunan ang mga “learning losses” dulot ng pandemya at para marating ang global goal sa sektor ng edukasyon.