Inamin ngayon ng United Nationalist Alliance o UNA Coalition na hirap silang makahanap ng makaka-tandem ni Vice President Jejomar Binay sa 2016 presidential elections.
Kasunod ng ito ng patuloy na pagbagsak ni Binay sa presidential survey kung saan naungusan na siya ni Senator Grace Poe.
Ayon kay Navotas Representative Toby Tiangco, Interim President ng UNA, ito ay dahil kailangan din tumulong dumipensa kay Binay ng makukuhang tatakbong Bise-Presidente.
Naniniwala naman si Senator Koko Pimentel ng PDP-Laban na maliban sa Bise Presidente, mahihirapan din ang una na punan ang kanilang senatorial slate dahil magiging pasanin din nila ang mga alegasyon laban kay Binay.
By Rianne Briones