Gitgitan pa rin ang mga nasa una hanggang ikatlong puwesto sa #BosesNiJuan2016 survey ng DWIZ.
Dalawampu’t apat (24) na porsyento ng mga boto ang nakuha ni Senador Grace Poe na nananatili sa unang puwesto, nasa malapit na pangalawa si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may 22 percent ng boto at humahabol si Vice President Jejomar Binay na may 20 porsyento ng boto.
Patuloy namang namamayagpag sa unang puwesto para sa pagka-Bise Presidente si Senador Grace Poe na may botong 39 percent.
Nasa malayong pangalawang puwesto naman si Senador Francis Escudero na may 11 porsyentong boto at si Duterte na may 6 na porsyentong boto.
By Len Aguirre