Hinamon ng United Nationalist Alliance o UNA ang Commission on Elections (COMELEC) na agad kumilos upang masolusyunan ang pagkakaantala ng pag-iimprenta ng mga balota.
Sinabi ni UNA Spokesperson Mon ilagan na dapat patunayan ng COMELEC na mayroong mga taong nag-iimpluwensiya at nagpapalala ng problema sa nalalapit na botohan.
Ani Ilagan, nasa mandato ng COMELEC na tiyaking maisasagawa ang eleksyon nang patas, mapagkakatiwalaan, tapat, maayos at mapayapa.
Bukod sa COMELEC, hinikayat din ng una si Pangulong Benigno Aquino III na tiyaking matutuloy ang halalan sa Mayo 9.
Ayon kay Ilagan, ito ang best legacy na maiiwan ni Pangulong Aquino bago matapos ang kanyang termino sa loob ng ilang buwan.
Bago ito, una nang ikinaalarma ng UNA na baka hindi matuloy ang eleksyon dahil sa patuloy na problema sa COMELEC, bagay na pinabulaanan naman ng ahensiya.
Samantala, ang UNA, sa pangunguna ni Vice President Jejomar Binay ay nasa Batangas na bilang bahagi ng ikatlong araw ng kampanya.
By Allan Francisco