Itinigil pansamantala ng United Nationalist Alliance o UNA ang lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa politika maging ang pakikipag-alyansa o coalition para sa halalan 2022.
Ito ang inihayag ni UNA President Senator Nancy Binay sa harap ng patuloy na epekto ng COVID-19 pandemic sa buhay at ekonomiya kasama na ang banta ng delta variant.
Aniya, hindi akma na pag-usapan ang electoral agenda habang ang mamamayan ay nasa delikadong sitwasyon.
Dagdag ni binay, malaking hadlang ang usapin ng eleksyon sa antas ng pagtugon sa pandemya.
Samantala, sinabi ni Binay na mas bibigyang prayoridad ng partido na makatulong sa paglaban ng pandemya at pagbibigay ng proteksyon at kaligtasan ng mamamayan.