May hawak nang 18 pangalan ang United Nationalist Alliance o UNA para tumakbo sa pagka-senador sa halalan sa susunod na taon.
Ito ang kinumpirma ni UNA Secretary General Atty. JV Bautista ngunit tumanggi muna siyang pangalanan ang mga ito.
Gayunman, ipinahiwatig ni Bautista na halos karamihan sa mga tatakbong senador sa ilalim ng kanilang partido na nasa listahan ngayon ay hindi pulitiko kundi pawang mga abogado.
May ilan din aniya na mula sa Partido Liberal ang kakalas at aanim sa kanilang partido dahil sa katagalang magdesisyon sa kung sino ang kanilang mamanukin sa darating na halalan.
By Jaymark Dagala