Pansamantalang sususpindihin ng United Nationalist Alliance (UNA) ang lahat ng mga pulong o paguusap nito tungkol sa paghahanda sa nalalapit na 2022 Elections.
Ayon kay UNA President at Senadora Nancy Binay, ito’y dahil sa banta ng tumataas na kaso ng Delta variant sa bansa.
Ani Binay, sa gitna ngayon ng patuloy na nararanasang pandemya, tila magiging insensitibo naman sila kung uunahin at ipagpapatuloy ang mga ganitong agenda habang ang publiko ay nakakaranas ng iba’t ibang paghihirap dahil sa banta ng Delta variant.
Dahil dito, napagkasunduan umano nila na ihinto muna ang mga political discussion, kabilang na ang mga paguusap tungkol sa mga pakikipag alyansa, koalisyon at iba pang political activities.