Nahaharap sa mataas na expectations si incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa unang 100 araw na pamumuno nito bilang pangulo ng Pilipinas.
Batay sa 2022 pahayag second quarter survey ng Publicus Asia, 68% ng mga Pilipino ang nagsabing inaasahan nilang magiging ‘very well’ ang trabaho ni PBBM bilang punong-ehekutibo.
14% naman ang nagsabing magiging ‘very poorly’ ang pamumuno ni Marcos habang 11% ang nagsabing magiging “neither poorly o nor well” ang pamumuno nito.
Sa mga Pilipinong sumagot sa survey, 7% ang hindi sigurado sa kanilang sasabihin.
Aabot sa 1,500 Pilipino ang sumagot survey na ginawa mula Hunyo 16 hanggang 22 at pinili sa pamamagitan ng random sample.