Binatikos ni dating Pangulong Fidel Ramos si Pangulong Rodrigo Duterte sa unang ika-isandaang araw nito sa pwesto.
Ayon kay Ramos, base sa kanyang overall assessment ay tila malubhang natatalo ang Pilipinas sa unang isandaang araw ng Duterte Administration na nakadidismaya.
Ipinaliwanag ni FVR na ang kanyang assessment ay base sa konsepto ng “leadership and teamwork” kung saan nag-ugat ang mga kabiguan.
Mas marami pa anya ang magagawa ng kasalukuyang administrasyon kung hindi lamang nakatutok sa walang katapusang kontrobersya sa extra-judicial killings ng mga drug suspect at pagmumura ni Pangulong Duterte sa halip na gumamit ng civilized at diplomatic language.
Si Ramos, ay itinalaga ni Duterte bilang emisaryo sa China at inatasang maglatag ng bilateral talks hinggil sa mga mahahalagang issue na kapwa kinakaharap ng dalawang bansa.
By: Drew Nacino