Ginugunita ng mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender o LGBT community ang unang anibersaryo ng kamatayan ng transgender na si Jeffrey “Jennifer” laude sa Olongapo City, Zambales.
Kasabay nito, nanawagan ng hustisya ang pamilya laude para kay jennifer na pinatay umano ni U.S. Marine, Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa isang motel sa Olongapo noong October 11.
Nagsuot ng itim ang pamilya Laude at mga supporter ni Jennifer bilang bahagi ng kanilang “remembrance walk” at “luksang panalangin” kasama ang true colors coalition.
Nakibahagi rin sa aktibidad ang mga teacher at leader mula sa Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers, Pagkakaisa ng Kababaihan para sa Kalayaan at Kilusan para sa Pambansang Demokrasya o KILUSAN.
Una ng inihayag Olongapo City Regional Trial Court noong isang buwan na posibleng sa Disyembre maglabas ng desisyon sa murder case na isinampa laban kay Pemberton.
By: Drew Nacino