Isang misa ang idinaos sa loob ng Camp Crame bilang paggunita sa unang anibersaryo nang pagkamatay ni Korean businessman Jee Ick Joo.
Ang paggunita sa unang anibersaryo nang pagkamatay ni Jee ay pinangunahan ng kaniyang maybahay na si Choi Kyung Jin, ilan pang kaanak, kaibigan at ilang pulis.
Isinagawa ang misa sa parking area malapit sa tapat ng opisina ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa kung saan sinasabing pinatay si Jee ng mga pulis na dumukot dito noong nakalipas na taon.
Ipinagbawal naman ang media coverage sa nasabing event matapos hilingin ng pamilya ang pribadong paggunita sa pagpanaw ni Jee Ick Joo.
Jee Ick Joo’s family commemorates his 1st death anniversary inside Camp Crame in front of Gen Bato’s office where he was allegedly killed pic.twitter.com/kwMxIRAo1T
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) October 18, 2017