Ginugunita ngayong araw ang unang anibersaryo sa madugong pag-atake ng Maute group sa Marawi City.
Ika-23 ng Mayo noong nakaraang taon nang iwagaygay ang itim na watawat ng Islamic State sa harap ng Amai Pakpak Hospital.
Hinostage ng mga terorista si Father Chito Suganub at iba pang mga sibilyan.
Noong panahong iyon ay nasa Russia naman ang Pangulo nang ideklara nitong isinasailalim ang buong Mindanao sa Martial Law.
Napauwi nang mas maaga ang Pangulo upang tutukan ang pag-atake ng mga Maute sa nasabing syudad.
Sa ika-120 anibersaryo ng Philippine Navy kahapon, inalala ng Pangulo kung ano ang kanyang naramdaman nang ideklara niya ang martial law habang nasa ibang bansa.
Dito ay inako rin ng Pangulo ang responsibilidad sa naging pagkukulang ng gobyerno sa nangyaring Marawi siege.
“We had a very sad experience in the Marawi siege. And we all know that we have fallen short in some respects [in] the way it was handled. I assume full responsibility.”
“That is a painful realization to be signing something [martial law proclamation] about your country, about the safety of your country, about the safety of the people and to give the orders outside of the Republic of the Philippines.”
“I would say that it leaves a dent in my own history when I go out of government service.” Pahayag ng Pangulong Duterte
Ayon sa Pangulo, hindi nila natunugan na may napakaraming armas, bala at pampasabog na naipon ang mga terorista sa loob ng Marawi dahilan para tumagal ng ilang buwan ang naging giyera.
A year after
Samantala, higit 200 mga bangkay ang hindi pa rin nakikilala isang taon matapos sumiklab ang giyera sa Marawi City.
Ayon sa Lanao del Sur Provincial Government, patuloy pa rin ang kanilang panawagan sa mga pamilya na makipag-ugnayan sa kanila upang makilala ang mga bangkay.
Hinimok ng provincial government ang mga nawawalan ng kaanak na tumulong sa kanila na kilalanin ang mga bangkay upang mabigyan ang mga ito ng sapat na pagkilala at maayos na libing.
Natatakot umano ang mga pamilya na kilalanin ang kanilang mga namatay na kaanak dahil posibleng matukoy na Maute members ang mga ito at mismong sila ay mapagkamalang miyembro ng ISIS.
—-