Aarangkada na bukas ang unang araw ng Ramadhan.
Ito ang inanunsyo ni Abdulrauf Guialani, Mufti Sheikh ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, kahapon
Paliwanag ng BARMM, ito’y matapos hindi namataan ang crescent moon o hugis suklay na buwan, sa isinagawang moon sighting sa iba’t ibang lugar sa mindanao tulad ng Cotabato City, Maguindanao Del Norte, at Basilan.
Nagkaroon din ng moon sighting sa Sulu, Tawi-Tawi, at Iligan City. – sa panunulat ni Charles Laureta