Walang naitalang mga “untoward incident” ang Commission on Elections (COMELEC) sa pag-arangkada ng campaign period ng national candidates sa May 9 polls.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez,tumalima naman ang mga kandidato sa mga itinakdang alituntunin maliban sa kabiguan ng ilang aspirant na kumuha ng mga permit.
Partikular na tinukoy ng poll body si Presidential Candidate Leody De Guzman na hindi nakakuha ng permit mula sa COMELEC Campaign Committee para sa kanyang proclamation rally sa Quezon City, kagabi.
Nilinaw naman ni Jimenez na hindi nila pinipigilan ang sinumang mangampanya bagkus ay nais lamang nilang i-regulate ang mass gatherings sa gitna ng COVID-19 pandemic.