Nagdulot ng bahagyang pagbigat ng daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Metro Manila ang unang araw ng pagbabalik ng mga estudyante sa face-to-face classes.
Pero nilinaw ni MMDA Traffic Engineering Center chief Neomie Recio na manageable naman ang traffic congestion sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Ayon kay Recio, hindi naabot ang inaasahang volume ng mga sasakyan kahapon.
Kabilang sa mga nakaranas ng traffic build-up ang bahagi ng Ateneo De Manila University sa Quezon City at De La Salle-Greenhills sa Mandaluyong subalit na-i-saayos matapos ang halos isang oras.
Ganito rin ang naranasan sa southbound lane ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Ito, ayon kay MMDA spokesman Crisanto Saruca Jr., ay bunsod ng kakulangan ng public utility buses sa bahagi ng Commonwealth-Litex.
Samantala, 226 na motorista ang nahuling lumabag sa number coding scheme.