Kinansela kahapon ang unang araw ng face-to-face classes ng walongdaang paaralan sa Northern Luzon.
Ayon sa Department of Education (DepEd) Central Office, hindi natuloy ang unang araw ng pagbabalik eskwela ng nasabing bilang ng mga eskwelahan dahil sa pananalasa ng Bagyong Florita.
Nabatid na ang pagkansela sa 800 paaralan ay kinabibilangan ng 705 pampublikong eskwelahan at 73 pribadong eskwelahan sa lalawigan ng Cagayan.
Mula sa naturang bilang, 29 public schools sa Tuguegarao City ang nakansela ang klase.
Nabatid na inilagay ng PAGASA sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang Lalawigan ng Cagayan habang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 naman ang Ilocos Norte dahilan para kanselahin ang unang araw ng pagbabalik klase ng mga estudyante.