Ikinagalak ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 ang mainit na pagtangkilik ng publiko sa pagbabalik ng film fest sa mga sinehan simula noong Linggo, December 25.
Ayon kay MMDA Chairman at pinuno ng MMFF na si Atty. Romando Artes, nakita nila ang suportang ipinamalas ng movie goers base sa mahabang pila sa mga sinehan hindi lamang sa Metro Manila.
Hindi naman naglabas ng box office ranking ang MMFF sa mga entries na pinalabas sa mahigit 650 sinehan sa buong bansa.
Nabatid na kabilang sa mga MMFF entries ang “Deleter,” “Family Matters,” “Labyu with an Accent,” “Mamasapano: Now it can be told,” “My Father, My Self,” “My Teacher,” “Nananahimik ang Gabi,” at “Partners in Crime.”