Pangkahalatang naging maayos ang unang araw ng Local Absentee Voting, kahapon.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez, wala silang natanggap na anumang reklamo kaugnay sa proseso ng local absentee voting.
Dagdag ni Jimenez, wala rin silang natanggap na ulat ng aberya sa mga itinakdang presinto.
Aniya, aabot sa halos 30,000 botante ang inaprubahan ng COMELEC para sa local absentee voting mula mahigit 35,000 nag-apply para dito.
Tatagal hanggang bukas, Mayo 1 ang local absentee voting kung saan maaaring bumoto ang mga kuwalipikadong botante mula alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon.