Dinagsa ng mga fans ang unang araw ng showing ng mga pelikula na bahagi ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.
Nagsimulang humaba ang pila sa mga sinehan bandang hapon.
Sinurpresa naman ng mga bida ng mga MMFF films ang ilan sa mga sinehan sa bansa.
Pinangiti ng komedyanteng si Vice Ganda ang mga manonood ng kanyang entry sa naturang film festival matapos nitong bisitahin ang sinehan sa isang mall.
Nag-ikot-ikot din ang aktor na si Coco Martin sa mga sinehan na ipinalalabas ang kaniyang pelikula.
Hindi naman nagpahuli sa pangangamusta sa mga manonood ang aktres na si Bela Padilla.
Mapapanood ang mga movie entries sa MMFF hanggang sa ikapito ng Enero sa susunod na taon.