Inihayag ng Manila International Airport Authority- Media Affairs Division na naging matumal ang bakunahan sa unang araw ng National Vaccination Drive sa NAIA- terminal 4.
Ayon sa MIAA- Media Affairs Division, 183 lamang na indibidwal ang dumating kung saan, ilan sa mga ito ay mga empleyado ng mga ahensya ng pamahalaan na nag-o-operate sa naia terminals na hindi pa nakakatanggap ng first dose ng bakuna.
Kabilang pa sa mga nagpabakuna ay kaanak ng mga empleyado ng paliparan at ilang mga medical frontliner ng naia.
Ayon sa MIAA, naging matumal ang unang araw ng pagbabakuna dahil sa Enero pa ang booster shot ng karamihan sa mga empleyado ng paliparan dahilan kaya hindi naabot ang target na 1,000 vaccinees —sa panulat ni Angelica Doctolero