Tagumpay ang unang araw ng National Vaccination days kontra COVID-19.
Umaasa si Vaccine CZAR Carlito Galvez junior na makakamit ang target na mabakunahan ang siyam na milyong Pilipino lalo sa mga lugar na mababa ang vaccination rate.
Gayunman, umabot lamang sa mahigit 547,000 na indibidwal ang binakunahan batay sa datos ng National Vaccination Operations Center.
Katumbas ito 6 ng kabuuang 9 million target na bakunahan sa tatlong araw na national Vaccination Drive na magtatapos bukas.
Pinaka-marami ang naitala sa CALABARZON, Ilocos Region, Central Luzon, Cagayan Valley, at Eastern Visayas.—sa panulat ni Drew Nacino