Itinuturing na matagumpay ang unang araw ng ‘Oplan Harabas’ na isinagawa PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency sa 49 na lugar sa ibat ibang panig ng bansa.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, isasalang pa sa confirmatory test ang urine samples ng mga drivers na nauna nang nagpositibo sa drug test.
Sakali anyang mag positibo sa confirmatory test ang 16 na drivers ay pansamantalang ipapawalang bisa ng Land Transporation Office ang kanilang lisensya.
Sinabi ni Aquino na maaari pa rin namang makabalik sa pagmamaneho ang mga drivers kapag nakatapos sila ng reformation o rehabilitation program.
Mula noong 2013 nasa mahigit 11,000 drivers, konduktor at mga dispatchers na ang naaresto dahil sa paggamit ng bawal na gamot kayat panahon na umano para sa mandatory drug test bago pumasada.