Sasailalim sa assessment ng Philippine National Police (PNP) ang unang araw nang pagpapatupad ng travel restrictions sa Metro Manila kasabay ng pag-iral ng community quarantine ngayong Linggo, ika-15 ng Marso.
Ito’y ayon kay PNP Deputy Chief for Operations P/LtG. Guillermo Eleazar ay matapos mapaulat na naging maluwag ang mga awtoridad para sa mga biyaherong lumabas at pumasok sa Metro Manila kaninang madaling araw.
Pero asahan, ayon kay Eleazar ,na mas hihigpit na ang sitwasyon sa mga checkpoint sa sandaling maplantsa na nila ang mga guidelines gayundin ang exemptions nakapaloob dito.
Base sa ating monitoring ay sinasabi na, kahapon ay naging, sabihin nating medyo maluwag at in a sense ay social distancing muna ang kanilang kinonsidera, at ichec-check nga natin ‘yon at we will review itong ginawa kanina for the purpose na ma-improve na itong implementation na ito,” ani Eleazar.
Samantala, nagpapasalamat naman si Eleazar na walang pulis ang apektado ng virus sa ngayon at umaasa silang hindi na kumalat pa ang virus sa kanilang hanay.
Sa awa ng Diyos ay wala po naman (pulis na apektado ng virus) kaya’t patuloy tayo na nananalangin at kaalinsabay noon ang ating PNP Chief Police General Gamboa naman ay nagbigay ng direktiba para sa proteksyon ng ating kapulisan,” ani Eleazar. —sa panayam ng Todong Nationwide Talakayan.